Banner Banner
 
 
fespa
 
Ano ang FESPA? [PHILIPPINES] Print E-mail

Ano ang FESPA?

…. ang Federation of Screen and Digital Printers Associations

Ang Mga Samahan ng FESPA ay kumakatawan sa mga interes ng mga screen at digital na mga uri ng printer sa loob ng 26 bansang Europa. Mayroon pang dagdag na 10 mga samahan sa labas ng Europa ang mga Kaakibat na Miyembro ng FESPA. Ang FESPA ay naghahandog ng kakaibang koleksyon ng mga benepisyo sa mga miyembro nito. Ang pagiging miyembro sa inyong pambansang samahan ay nagtitiyak sa inyo na parati kayong may paraan upang makakuha ng impormasyon tungkol sa FESPA sa inyong sariling wika

Polyeto hinggil sa Korporasyon ng FESPA

Tradisyon/Kasaysayan ng FESPA

…. Taga-ayos ng Global Screen at Digital Printing na mga Pagtatanghal at Kaganapan

Kalendaryo ng mga Magaganap sa FESPA

Inoorganisa ng FESPA ang pinakamalaking pandaigdig na pagtatanghal para sa screen at digital na mga printer, na magaganap tuwing dalawang taon, sa Europa.

Isinasagawa ng FESPA ang pagtatanghal nito para sa FESPA Digital sa salit-salit na taon, pati na rin sa Europa.

Upang mapaglingkuran ang mga printer sa buong mundo, idinagdag din ng FESPA ang mga pagtatanghal sa Mumbai, New Delhi, Bangkok, Thailand at Mexico sa portfolio nito sa mga nakaraang taon, upang maabot ang mga merkado sa India, Asya Pasipiko at Timog Amerika.

Nagsasagawa din ang FESPA ng mga summit at miting ng mga director, at pati na rin ang iba pang mga kaganapan para sa screen at digital, sa Europa at iba pang bahagi ng mundo.

Paano ako makakasali sa FESPA?

Kung ikaw ay nakatira sa isa sa mga bansa na nakalista sa ibaba, basta lamang makipag-ugnayan sa Secretary ng iyong pambansang samahan, sa pamamagitan ng mga link ayon sa bansa sa ibaba at hilingin na sumali.

Mga Miyembro ng Samahan ng FESPA:

Austria, Baltic States, Belgium, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Italy, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Romania, Russia, Serbia, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, Turkey, Ukraine, United Kingdom

Mga Kaakibat na Miyembro ng Samahan ng FESPA:

Australia, China, India, Japan, Korea, Pilipinas, Thailand

Kung hindi ka nakatira sa isa sa mga nabanggit sa itaas na bansa, maaari kang mag-aplay para sa indibiduwal na pagiging miyembro ng FESPA. Kung nais mong mag-aplay, mangyaring i-download, kumpletuhin at isauli pabalik ang form na ito.

Mga Detalye ng Pakikipag-Ugnayan sa mga Samahan ng FESPA Associations

Ano ang mga benepisyo sa pagiging miyembro ng FESPA?

  • Sa pamamagitan ng iyong pagiging miyembro sa Pambansang Samahan sa inyong bansa na kaanib ng FESPA ,

pananatilihin na ikaw ay parating may kaalaman tungkol sa mga pagsulong sa screenprinting at wide format na digital imaging sa buong Europa at magkakaroon ka rin ng ugnayan sa mga mahahalagang link sa mga katulad na samahan sa buong mundo.

  • Ikaw ay makakatanggap ng FESPA Magazine tuwing tatlong buwan, ng LIBRE, na nakalathala sa wikang Ingles, na may mga pagsasalin sa wikang German, Pranses, Italyano at Espanyol ng mga napiling artikulo at mga tampok na handang ma-download sa bahagi para sa mga miyembro sa fespa.com.
  • Paraan na makapasok sa bahagi na “pang-miyembro lamang” sa fespa.com na website, na naglalaman ng mga teknikal na artikulo, impormasyon tungkol sa kapaligiran at isang aklatan ng maaaring mahanapan sa artikulo mula sa iba’t ibang bansa sa Mundo ng FESPA

  • Paraan na makapasok sa online na network ng mga screen at digital na printer sa buong mundo

  • Mga imbitasyon sa mga seminars, tour ng pag-aaral at iba pang mga kaganapan hinggil sa screenprinting at wide format digital imaging, sa buong mundo

  • Detalyadong makabagong impormasyon ukol sa mga pagtatanghal ng FESPA

  • Mga espesyal na halaga para sa mga miyembro para sa mga mga seminaryo at komperensya ng FESPA
  • Palagiang pag—update tungkol sa mga aktibidad ng FESPA at iba pang mga kaakibat na mga samahan sa buong mundo.

  • Espesyal na diskuwento para sa Sensations Book ng FESPA

  • Walang bayad na Wide Format Survey (presyo para sa hindi miyembro ay 1500 Euros).

  • Ang FESPA secretariat ay parating handa at mapaunlak na makatulong sa inyo sa pamamagitan ng mga impormasyon at kalutasan sa mga problema.

  • Karapat-dapat na sumali sa Gawad ng FESPA at Mga Paligsahan para sa Kabataan ng FESPA, na sabay na magaganap sa bawat pangunahing pagtatanghal ng FESPA
http://www.fespa.com/fespa-associate-members/philippines.html
 

Share on social networks


FESPA Planet Friendly Guide
FESPA World magazine
 
Join the growing professional and social groups now on FaceBook and LinkedIn, and subscribe to our RSS feed or contribute to our FESPA Twitter feed on the right...
60 Second Interview
Mike Horsten Mike Horsten (Zemt Green) Interview.

Read his answers here.
What does innovation mean to you and how important is it to your company and the industry as a whole? Innovation is very important - it’s the road to success in the future. Without innovation this industry would be surpassed by other industries...

Mike is speaking at the FESPA Global Summit USA Event. Click here to learn more
Take the FESPA Poll
FESPA TV Highlights: FESPA 2010

T-Biz interviews Frazer Chesterman of FESPA